Types of People During Quarantine

#TeamBahay ka ba or #FrontlinerHero? Alin ka man sa mga ito at may iba't iba man tayong pinagkakaabalahan, sama-sama pa rin nating labanan ang COVID-19 kahit nasaan pa tayo!

1. Sleeping Beauty
Nako sigurado di nila mababasa 'tong blog na 'to kasi tulog na naman yang mga yan. Wala nang nagawa buong quarantine kundi matulog! Pero ok lang yan mga siz, kailangan din natin ng enough sleep at pahinga dahil sa dami ng nangyayari ngayon sa mundo. Oh inaantok ka na naman ba? Okay good night! 😉

2. #Quarantiktoker
I know how to make the girl go crazy 🎶
When you treat her like your number one baby 🤙
Hello mga ka-renegade!! Nagamit niyo na siguro lahat ng sounds at effects dyan sa Tiktok. Ito yung mga taong pinagkakamalan nang nababaliw ng mga kamag-anak nila kasi bigla bigla na lang sumasayaw. Yung iba naman dyan nahihiya pang aminin na nagti-TikTok na rin sila dahil sobrang bored ngayong quarantine. Okay lang yan! Abangan niyo rin si Ninang Kim sa TikTok malay niyo pag na-bore kami, damayan na namin kayo mag TikTok!

3. K-drama is life
Annyeong! Oppa! Mianhae. Jinjja? Aissh. Ommo! Arraseo. Daebak! Otteoke? Andwae! Wae? Kyeopta! Saranghae. Aniyo~ Hana deul set!
For sure binasa niyo with feelings lahat! Ano na ba pinapanood niyo ngayon? Crash Landing On You? Hospital Playlist? The King? Kingdom? o Itaewon Class? Naisipan niyo na rin ba maggupit ng sariling bangs? Iba talaga ang K-drama fever! Okay lang manood pero matulog pa rin kayo, arraseo? wink finger hearteu

4. King trashtalker sa trashtalkan groups
Ops time out na muna sa panttrashtalk sa UAAP Trashtalkan, Zodiac sign trashtalkan, at Online Rambulan! Baka mamaya may umiyak na dyan kaka-trashtalk mo pare chong. Pati ngipin ni Chel Diokno nadadamay pa. Sali ka na lang din sa Online Respetuhan pampagood vibes 😇

5. Work from home homies
Ito yung mga bagong gising ng 8:50am tapos babangon ng saktong 9:00am para sa morning video call with officemates. Uso maghilamos muna mga sizt ah. Galingan sa work!

6. The Gamer
Mga laging inaaway ng jowa nila kasi hindi na makapag-reply kakalaro. (Sana all may jowa diba). Hinay hinay sa laro mga boss, dami naghihiwalay dahil dyan lalo ngayong LDR season.

7. Taga-ubos ng relief goods sa bahay
Hirap mag-diet pag nasa bahay lang diba? I feel you sizt! Yung bigla ka na lang magccrave ng samgyup, chicken wings, at milk tea! Pero wala ka naman magawa kaya yung relief goods niyo na lang sa bahay yung tinitira mo. Dahan-dahan lang tayo sa pag-chibog, mahirap mag-grocery shopping ngayon.

8. Frontliner heroes
Saludo po kami sa inyo! Mga doctors, iba pang medical staff, janitors, bank tellers, grocery store staff, drivers, security guards, policemen, at sa lahat ng mga frontliners! Sasamahan namin kayo sa paglaban sa COVID-19. Salamat sa inyong lahat ❤

9. Team no ligo
Summer na summer di ba kayo naiinitan ha? Ugaliin po natin maligo wag puro alcohol lang para iwas COVID-19 ;) pag di kayo naligo kahit sa loob ng bahay niyo baka magka-social distancing.

For sure isa kayo sa mga nabanggit dito! Kahit saang category man kayo naka-relate, mag-ingat kayong lahat ngayong ECQ at ipagpatuloy ang pag #StayAtHome kahit na ano pa man dyan ang pinagkakaabalahan niyo (maliban sa mga frontliners.) Stay safe, mga ka-quarantine!

Covid-19Covid19Fight covid19Quarantine tipsStay at homeStay at home tipsTypes of people during quarantine